Noong unang beses na tumapak ako sa eskwelahang pinapasukan ko ngayon, nakaramdam ako ng kaba. Makakaya ko ba? Makakaya ko kayang tapusin ang pag-aaral ko? Makakayananko ba ang kursong kinukuha ko? Sa totoo lang, hindi ko din alam.
May kaugnayan sa pinakaaayaw kong asignatura ang kursong napili ko -- ang Math. Maraming subject na Math. Puro solving. Puro problems. Puro Find x, find yy, at lahat ata ng letra sa alpabeto hahanapin. Meron pa ngang infinity at kung anu-ano pang hindi maarok ng utak ko. Hindi pa naman ako magaling sa Math. Minsan nga, or should I say MADALAS nga itinatanong ko sa sarili ko kung bakit ba ito ang pinili ko. Kung bakit ako naririto. Pero as usual, wala akong makuhang sagot. Ewan.
Sana lang talaga makayanan ko to. Ayokong biguin ang mga taong umaasa at naniniwala sa kakayahan ko. Pagsusumikapan ko to. Alam kong gagabayan ako ng Diyos, ipinagkakatiwala ko ang sarili ko sa kanya.